Nafefeel mo din ba na
crush ka ng crush mo?
Kasi ako minsan ou.
"haha"
Hindi naman sa nagfefeeling talaga ko. Pero ma-feeling nga
siguro talaga.
Ganito kasi yon..
Isang araw nahuli ko
syang nakatingin sakin. Yung feeling na nasa bandang sulok ka ay sumulyap ka sa
kanya e nakatingin sya sayo? Yung biglang baling ko sa iba dahil nakakahiya.
Syempre makalipas ang ilang minuto dahil hindi naman nya alam na crush ko sya
tiningnan ko ulit sya. At ayon! For the second time, Nagkatinginan ulit kami.
Grabe! Best day ever ko na yon.<3 HAHAHAHA Yung ginagawa ko ng hobbies 'to.
Binibilang ko na kung ilang beses na kami nagkakatinginan.
Second na paglalandas ng
krus namin ay nagulat ako. Nginitian naman nya ko! Grabe close na ba kami? o
kilala na nya ko? Yung feeling na huminto yung oras ko dahil don. Wala akong
makita kundi sya lang. Yung ang lakas ng tibok ng puso ko. This <3
At sa mga sumunod na
araw palagi ng nagtatagpo ang landas namin. Yung bawat pagkikita namin
nginingitian nya ko. At pagnagkasalubong kami nagkakatinginan kami at pag
nakalayo-layo na ko ng kaunti ay lilingon ako sa kanya at sya'y nakatingin pa
din. "Syempre kilig toda max naman ako ng palihim" Dahil nga sa
malakas na tama ko sa kanya. Feeling ko tinadhana na kami para sa isa't isa.
Pero alam kong lahat ng
yan ay FEELING ko lang kasi nga taken na sya. Ayan capslock para ramdam na
ramdam nyo mga readers. Saklap nuh? Siguro nga sa sobra mong pagkacrush sa
kanya ay feeling mo may crush din sya sayo.
.jpg)
No comments:
Post a Comment