Wednesday, May 6, 2015

Naranasan mo na ba?

Ganito ba talaga pag inlove?

Yung tipong makita mo lang sya ay napapangiti ka na.
Yung tipong nasa malayo pa sya ay tanaw na tanaw mo na sya.
Makausap mo lang sya ay masaya kana.
Kapag palapit sya hindi mo alam ang gagawin mo.
Hindi ka magkandaugaga at kakabahan kapa.
Kapag galit ka naman sa kanya, pinipilit mo ang sarili mo na wag syang patawarin ngunit isang sorry lang nya sayo ay bigay kana.
Marinig mo lang ang pangalan nya ay tuwang-tuwa ka.
Pagnaaalala mo yung moments na magkasama kayo ay napapangiti ka.
Yung tipong lahat ng text nya sayo hindi mo binubura sa imbox mo.
Yung binabalik-balikan mo yung conversetion nyo.
Yung mag ring lang yung cellphone mo sya agad nasa isip mo.
Disappointed ka pa pag hindi sya.
Pero todo gulong mo sa kama pag sya.
Yung hinahanap-hanap mo na sya palagi.

Kung yang nasa taas ay nararanasan mo Aba ay inlove ka nga. Wag mo ng itago.
Ang pag-ibig daw ay  hindi mapipigilan.May times kapag tinago mo ay lalo kang nadedevelop.

No comments:

Post a Comment