Minsan kasi ay masyado nating pinahihirapan ang sarili natin sa mga bagay bagay sa mundo.
Masyado na tayong nasasaktan sa pagmamahal na hindi naman nasusuklian.
Masyado na tayong nasasaktan dahil lang sa mahal natin ang isang taong hindi naman tayo mahal.
Yung inuubos na natin ang oras natin sa kakaisip sa kanila. Yung ultimo matutulog ka na ay sya pa din ang nasa isip mo at kahit tulog kana sya pa din ang nasa panaginip mo. Ang hirap nuh? NAPAKASAKIT.
Samatalang sila ay masaya sa buhay nila.
" Kung alam mo naman kasing hindi ka nya mahal at walang kapupuntahan yung pagdadrama mo, e itigil mo na! Wag mo ng paasahin yung sarili mo sa kanya. Ibaling mo na lang sa ibang bagay na may kapupuntahan.
Mag-aral ka para malaunan ay makatulong ka sa magulang mo. Sayang naman paghihirap nila para lang pag-aralin ka. BUHAY PAG-IBIG? Saka na yan. Pag ok na ang lahat. PAG ALAM MONG MAHAL KA NG TAONG MAHAL MO!"
No comments:
Post a Comment