Wednesday, April 22, 2015

Mahal mo, mahal ka ba?


Image result for cool question marks
Pinakamasakit na tanong na dapat mong sagutin sa 'yong sarili.
Minsan kasi ay masyado nating pinahihirapan ang  sarili natin sa mga bagay bagay sa mundo.
Masyado na tayong nasasaktan sa pagmamahal na hindi naman nasusuklian.
Masyado na tayong nasasaktan dahil lang sa mahal natin ang isang taong hindi naman tayo mahal.
Yung inuubos na natin ang oras natin sa kakaisip sa kanila. Yung ultimo matutulog ka na ay sya pa din ang nasa isip mo at kahit tulog kana sya pa din ang nasa panaginip mo. Ang hirap nuh? NAPAKASAKIT.
Samatalang sila ay masaya sa buhay nila.

" Kung alam mo naman kasing hindi ka nya mahal at walang kapupuntahan yung pagdadrama mo, e itigil mo na! Wag mo ng paasahin yung sarili mo sa kanya. Ibaling mo na lang sa ibang bagay na may kapupuntahan.
Mag-aral ka para malaunan ay makatulong ka sa magulang mo. Sayang naman paghihirap nila para lang pag-aralin ka. BUHAY PAG-IBIG? Saka na yan. Pag ok na ang lahat. PAG ALAM MONG MAHAL KA NG TAONG MAHAL MO!"

Tuesday, April 21, 2015

RL STORY






Uwian na namin, naglalakad kami papuntang Bucana ng aking mga kaibigan para maghintay ng masasakyan pauwi sa aming bayan. Mga ilang  minuto pa wala pang dumadaan, kami ay nakaramdam  ng gutom kaya bumili muna kami ng shomai at gulaman. Habang kami ay kumakain ay may biglang may dumaan na RL. at dahil sa gabi na, mabilis naming binabayaran kay manong yung binili namin. Pagkabayad na pagkabayad namin ay tumakbo kami ng aking  mga kasama para habulin yung RL na dumaan. Kahit na marami kaming dala na gamit namin. Sige habol pa. Takbo pa din kahit no poise na. Sabi ng aking kaibigan ko ay dalian namin at hihinto daw yon. Kaso hindi ito huminto. Hanggang sa napagod na kami at hindi namin ito naabutan. Kami ay nanlumo at napaupo sa gilid ng kalye. Biglang sabi na, "Ang sakit nga pala na naghahabol ka at lalo na kung wala naman itong kapupuntahan.

" WALA KA NG NAPALA, NAGMUKA KA PANG  T*NGA!"