Wednesday, May 6, 2015

MISSING YOU. INANG!

My Grandmother is gone.
She was a loving, kind, generous, and wonderful grandma I ever had. Realizing that she's gone is still hurting me so much. If tears could build a stairway, I'd walk right up to heaven and bring her to our home again. Then, we sit and talk again. Just like we use to do before. Oh, Inang! You always meant so very much to me. I miss you a lot. The fact that you are no longer here will always cause me pain. Basta lagi mong tandaan. You're forever in my heart Inang! You are everything I wanna be. Thank you for all the love and care that you gave to me when you are alive and for all things that I need. You are like my mother, bestfriend to me. I MISS YOU INANG AND I HOPE YOU ARE HAPPY NOW IN HEAVEN.
YEAH. I CAN NO LONGER TO SEE YOU IN MY EYES, TOUCH YOU IN MY HANDS BUT I WILL FEEL YOU IN MY HEART FOREVER.

FRANCE (Friendship Remain And Never Can Ends)

F. R. I. E. N. D. S. H. I. P.

Sila yung magpapaiyak sayo sa kakatawa.
Kapag masaya, I-ready ang braso sa wantusawang hampas nila.

Sila ang dahilan kung bakit ka nabuking ka ng crush mo.
sila yung mas kinikilig pa kesa sayo.

Sila yung palagi mong kasama.
Daig pa magulang mo kung pagalitan ka.

Sila yung feel at home sa bahay nyo.
Kukuha ng pagkain mo kahit hindi mo inaalok.

Sila yung sisipain pa paa mo,
pag namamanhid ito.

Laughtrip. Foodtrip. Fieldtrip. at kahit anong trip pa yan.
Ito'y sasakyan nila

Sigurado pag nagkasama-sama,
walang selfie/groupie na ipalalagpas..

Sila yung dadamay at dadamay sayo,
kahit anong problema pa yang dumating sayo.

Sila yung taong alam na alam kung paano ka sisirain,
pero hinding-hindi nila iyo gagawin.

Ou lahat lahat ng bago ay naluluma,
Ang tao ay tumatanda,
Ang ganda ay kumukupas.
Pero ang tunay kong mga friendship ay hinding-hindi magbabago kahit anu pa man.





Naranasan mo na ba?

Ganito ba talaga pag inlove?

Yung tipong makita mo lang sya ay napapangiti ka na.
Yung tipong nasa malayo pa sya ay tanaw na tanaw mo na sya.
Makausap mo lang sya ay masaya kana.
Kapag palapit sya hindi mo alam ang gagawin mo.
Hindi ka magkandaugaga at kakabahan kapa.
Kapag galit ka naman sa kanya, pinipilit mo ang sarili mo na wag syang patawarin ngunit isang sorry lang nya sayo ay bigay kana.
Marinig mo lang ang pangalan nya ay tuwang-tuwa ka.
Pagnaaalala mo yung moments na magkasama kayo ay napapangiti ka.
Yung tipong lahat ng text nya sayo hindi mo binubura sa imbox mo.
Yung binabalik-balikan mo yung conversetion nyo.
Yung mag ring lang yung cellphone mo sya agad nasa isip mo.
Disappointed ka pa pag hindi sya.
Pero todo gulong mo sa kama pag sya.
Yung hinahanap-hanap mo na sya palagi.

Kung yang nasa taas ay nararanasan mo Aba ay inlove ka nga. Wag mo ng itago.
Ang pag-ibig daw ay  hindi mapipigilan.May times kapag tinago mo ay lalo kang nadedevelop.

That thing called... KAPIT SA JEEP!



Naranasan mo na ang ganitong sobrang pagkapit?

Si Manong driver kasi di mo alam kung may pupuntahan na kung ano. Tila'y nagmamadali. Sobrang bilis magpatakbo saka bigla na lang ipe-preno.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman namin ng panahong ito.

"Takot" Takot baka mamaya huling araw na namin non.

"Excitement" nakakaexcite kapag ipe-preno na ni manong driver. Yung iba kasing na nasa gitna na pasahero napupunta sa unahan. Matatawa ka na lang.  "Lalo na tong kaibigan kong nasa left side na yellow ang bag" hahahahaha. Kaya ganyan na sya kung makakapit na parang linta sa sobrang pagkakapit.

"Enjoyment" maeenjoy na lang yung biyahe. Yung iba kasi natitili pa pag biglang preno.

Hanggang sa makapunta na kami sa aming kapaparoonan.
Unforgettable moment. :)


Ma-feeling...



Nafefeel mo din ba na crush ka ng crush mo?
Kasi ako minsan ou. "haha"
 Hindi naman sa nagfefeeling talaga ko. Pero ma-feeling nga siguro talaga.
 Ganito kasi yon..
Isang araw nahuli ko syang nakatingin sakin. Yung feeling na nasa bandang sulok ka ay sumulyap ka sa kanya e nakatingin sya sayo? Yung biglang baling ko sa iba dahil nakakahiya. Syempre makalipas ang ilang minuto dahil hindi naman nya alam na crush ko sya tiningnan ko ulit sya. At ayon! For the second time, Nagkatinginan ulit kami. Grabe! Best day ever ko na yon.<3 HAHAHAHA Yung ginagawa ko ng hobbies 'to. Binibilang ko na kung ilang beses na kami nagkakatinginan.

Second na paglalandas ng krus namin ay nagulat ako. Nginitian naman nya ko! Grabe close na ba kami? o kilala na nya ko? Yung feeling na huminto yung oras ko dahil don. Wala akong makita kundi sya lang. Yung ang lakas ng tibok ng puso ko. This <3

At sa mga sumunod na araw palagi ng nagtatagpo ang landas namin. Yung bawat pagkikita namin nginingitian nya ko. At pagnagkasalubong kami nagkakatinginan kami at pag nakalayo-layo na ko ng kaunti ay lilingon ako sa kanya at sya'y nakatingin pa din. "Syempre kilig toda max naman ako ng palihim" Dahil nga sa malakas na tama ko sa kanya. Feeling ko tinadhana na kami para sa isa't isa. 


Pero alam kong lahat ng yan ay FEELING ko lang kasi nga taken na sya. Ayan capslock para ramdam na ramdam nyo mga readers. Saklap nuh? Siguro nga sa sobra mong pagkacrush sa kanya ay feeling mo may crush din sya sayo. 




Wednesday, April 22, 2015

Mahal mo, mahal ka ba?


Image result for cool question marks
Pinakamasakit na tanong na dapat mong sagutin sa 'yong sarili.
Minsan kasi ay masyado nating pinahihirapan ang  sarili natin sa mga bagay bagay sa mundo.
Masyado na tayong nasasaktan sa pagmamahal na hindi naman nasusuklian.
Masyado na tayong nasasaktan dahil lang sa mahal natin ang isang taong hindi naman tayo mahal.
Yung inuubos na natin ang oras natin sa kakaisip sa kanila. Yung ultimo matutulog ka na ay sya pa din ang nasa isip mo at kahit tulog kana sya pa din ang nasa panaginip mo. Ang hirap nuh? NAPAKASAKIT.
Samatalang sila ay masaya sa buhay nila.

" Kung alam mo naman kasing hindi ka nya mahal at walang kapupuntahan yung pagdadrama mo, e itigil mo na! Wag mo ng paasahin yung sarili mo sa kanya. Ibaling mo na lang sa ibang bagay na may kapupuntahan.
Mag-aral ka para malaunan ay makatulong ka sa magulang mo. Sayang naman paghihirap nila para lang pag-aralin ka. BUHAY PAG-IBIG? Saka na yan. Pag ok na ang lahat. PAG ALAM MONG MAHAL KA NG TAONG MAHAL MO!"

Tuesday, April 21, 2015

RL STORY






Uwian na namin, naglalakad kami papuntang Bucana ng aking mga kaibigan para maghintay ng masasakyan pauwi sa aming bayan. Mga ilang  minuto pa wala pang dumadaan, kami ay nakaramdam  ng gutom kaya bumili muna kami ng shomai at gulaman. Habang kami ay kumakain ay may biglang may dumaan na RL. at dahil sa gabi na, mabilis naming binabayaran kay manong yung binili namin. Pagkabayad na pagkabayad namin ay tumakbo kami ng aking  mga kasama para habulin yung RL na dumaan. Kahit na marami kaming dala na gamit namin. Sige habol pa. Takbo pa din kahit no poise na. Sabi ng aking kaibigan ko ay dalian namin at hihinto daw yon. Kaso hindi ito huminto. Hanggang sa napagod na kami at hindi namin ito naabutan. Kami ay nanlumo at napaupo sa gilid ng kalye. Biglang sabi na, "Ang sakit nga pala na naghahabol ka at lalo na kung wala naman itong kapupuntahan.

" WALA KA NG NAPALA, NAGMUKA KA PANG  T*NGA!"